Philippine Embassy, blangko pa rin sa lokasyon ng Pinay na missing sa Hamas attack

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Israel na hindi pa rin nila makumpirma ang kinaroroonan ng isa pang Pilipinong nawawala sa pag-atake ng Hamas noong October 7.

Kinilala ang naturang Pinay na si Noralyn Babadilla.

Tiniyak naman ng pamahalaan ng Pilipinas na hindi ito tumitigil sa pagtunton kay Babadilla.


Sa ngayon ay hindi pa rin makumpirma ng pamahalaan kung kasama sa mga natitirang bihag ng Hamas si Babadilla.

Facebook Comments