Philippine Embassy, inaalam pa ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na nasugatan sa malaking sunog sa London

London – Naghihintay pa ng update ang Philippine Embassy kaugnay ng kabuuang bilang ng mga Pilipinong nasaktan sa malaking sunog sa apartment building sa West London.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), tinututukan ng embahada ang kalagayan ng mga Pinoy na nasaktan sa sunog at naka-confine sa pagamutan.

Umaapela naman ang Philippine Embassy sa Filipino community sa London na tulungan ang mga naapektuhang Pinoy.
Sa ngayon, pinapayuhan ng embahada ang mga Pilipinong nakatira malapit sa nasunog na dalawampu’t pitong palapag na gusali na huwag munang bumalik sa kanilang mga tahanan.


Facebook Comments