Philippine Embassy, may abiso sa mga Pinoy na nagtungo na ng Sudan-Egypt border para sa paglilikas

Nag-abiso ang Philippine Embassy sa Egypt sa mga Pilipinong nauna na sa border ng Sudan at Egypt para sa paglilikas na makipag-ugnayan sa embahada.

Ito ay para sa koordinasyon sa Egyptian authorities sa kanilang pagtawid.

Sa ngayon kasi ay sarado pa rin ang mga airport sa Sudan kaya kinakailangan ng Pinoy repatriates na tumawid muna ng Egypt.


Maging ang mga Pinoy na nagtungo na sa Port Sudan o sa Wadi Halfa ay pinapayuhan din na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy.

Tinawagan na rin ng Embahada ang iba pang mga Pilipinong sasama sa paglilikas para sa abisuhan sila kung saang lugar sila daraanan ng mga tauhan ng embahada.

Pinoproseso na rin ng embassy ang travel clearance ng mga undocumented na Pinoy sa Sudan.

Facebook Comments