Philippine Embassy, may abiso sa mga Pinoy sa Maui kaugnay ng lumalabas na listahan ng unaccounted na mga missing sa Hawaii wildfire

Nanawagan ang Philippine Embassy sa Honolulu sa Filipino community sa Hawaii na tulungan sila sa pagsuri sa lumabas na listahan ng mga unaccounted na mga nawawala kaugnay ng nangyaring wildfire sa Maui.

Kabuuang 388 na indibidwal ang nasa listahan ng unaccounted na inilabas ng County of Maui.

Nanawagan ang embahada na ipagbigay alam sa kanila sakaling may kilala silang Filipino national na nasa listahan pero nakaligtas sa trahedya.


At kung may kilala naman silang missing na wala sa listahan ay tumawag sa mga awtoridad sa Maui.

Nanawagan din ang Philippine Embassy sa mga Pinoy na may missing na kamag-anak na makipag-ugnayan sa kanila.

Facebook Comments