Philippine Embassy, may apela sa housemates ng mga Pinoy na naapektuhan ng sunog sa London

Manila, Philippines – Umapela ang Phil. Embassy sa housemates ng mga Pilipinong naapektuhan ng sunog sa London na makipagtulungan sa kanila.

Ito ay upang mapabilis ang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga Pilipinong naka-confine sa ospital o di kaya ay nawawala.

Partikular na hinihiling ng embahada ang mga pangalan at contact numbers ng mga Pinoy na nakatira sa nasunog na Grenfell Tower.


Uma apela rin ang Phil Embassy sa Filipino community na ipagbigay-alam sa kanila ang kinaroroonan at kalagayan ni Filipino-British na si Ligaya Moore na pinaniniwalaang nawawala.

Facebook Comments