Philippine Embassy, may paalala sa mga Pilipinong illegal immigrants sa Russia

97

Nagpaalala ang Philippine Embassy sa Russia sa mga Pilipino doon na hindi pa legal na migrante.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas, dapat sundin ang lahat ng batas ng Russia lalo na ang pagiging legal na migrante.

Ang may mga kumpleto at legal na dokumento at status kasi sa Russia ay nakakakuha ng tulong mula sa Pamahalaan.


Partikular ang tulong ng mga bangko, ospital, paaralan at sa migration authorities.

Muli ring nagpa-alala ang Philippine Embassy sa mga Pinoy sa Russia na manatiling kalmado pero kailangang laging mapagmatyag.

Facebook Comments