Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na napaaga ang pagpapauwi ng Malaysian government sa mga undocumented na Pilipino sa Sabah, Malaysia.
Ayon sa DFA, hiniling sana nila sa Malaysian government na iantala nang kaunting panahon ang pagpapabalik sa Pilipinas sa mga Pinoy subalit nabigo sila.
Sa kabila nito, tiniyak ng DFA na aalalayan nila ang deportees para magkaroon ng travel documents pabalik ng Pilipinas.
Tiniyak din ng DFA na dadaan sa COVID-19 protocols ang mga Pinoy na uuwi ng bansa mula sa Sabah.
Ang Malaysian government ay regular na nagsasagawa ng crackdown operation sa illegal aliens sa Sabah.
Facebook Comments