
Nag-abiso ang Philippine Embassy sa Malaysia kaugnay ng pinatutupad na Malaysian Migrants Repatriation Program 2.0.
Layon nito na tulungan ang mga indibidwal na nananatili sa Malaysia nang walang valid permit.
Sa abiso ng Philippine Embassy, tatagal ang programa hanggang April 30 ng susunod na taon.
Pinapayuhan ng embahada ang mga Pinoy na mag-a-avail ng repatriation na tiyaking sila ay may valid na pasaporte o travel documents ng Pilipinas.
Kailangan ding may kumpirmadong one-way ticket pauwi ng Pilipinas kung saan ang petsa ng flight ay dapat nasa loob ng 14 na araw mula sa petsa ng pagpaparehistro sa repatriation.
Nagpaalala rin ang Philippine Embassy na dapat ding paghandaan ang multa sa paglabag sa Malaysian Immigration Laws.
Facebook Comments









