Philippine Embassy, nagpaalala sa publiko na huwag agad maniwala sa unverified reports patungkol sa mga umano’y nasawing Pinoy na kumakalat sa social media

Todo paalala ang Embahada ng Pilipinas sa Israel na huwag agad maniwala sa mga hindi verified na impormasyon na kumakalat sa social media patungkol pa rin sa mga nasawi umanong Pinoy sa gitna ng giyera sa nasabing bansa.

Ayon sa embahada, nakakatanggap umano sila ng mga report na ilan na ang nasawing Pinoy na kasalukuyang naiipit sa giyera ng Israel at mga Palestine.

Una nang sinabi ng Embahada na biniberipika na nila sa Israel authorities ang napaulat na posibleng unang Pilipino na nasawi sa gitna ng nangyayaring giyera.


Patuloy naman ang kanilang ginagawang aksyon at hakbang upang makumpirma ito bago maglabas ng impormasyon sa publiko.

Samantala, binigyang diin din ng mga awtoridad na bago mag-post sa social media ay dapat credible ang pinagmulan ng impormasyon at hindi lamang sabi-sabi o base sa mga napapanood ng mga video sa online.

Facebook Comments