Philippine Embassy, nagpadala na ng kinatawan para saklolohan ang Pinay na nabundol sa Kurdistan Iraq

Manila, Philippines – Nagpadala na ng tauhan sa Kurdistan, Iraq ang Philippine Embassy sa Baghdad

Ito ay para tulungan ang Filipina overseas worker na nabundol ng sasakyan sa Erbil, Kurdistan Region.

Kinausap na rin ng kinatawan ng Philippine Embassy ang employer ng Pinay at ang driver na nakabundol sa OFW.


Natunton ng embahada ang kinaroroonan ng Pinay sa tulong ng Filipino community sa Iraq.

Una nang kumalat sa social media ang video footage na kuha nang mabundol ang OFW.

Facebook Comments