Philippine Embassy, nagsasagawa ng accounting sa mga Pinoy kasunod ng terror attack sa Burkina Faso

Manila, Philippines – Nagsasagawa ngayon ng accounting ang Philippine Embassy sa Abuja kasunod ng terror attack sa Burkina Faso, West Africa.

Ayon kay Ambassador Shirley Ho-Vicario , sa pagpapatuloy ng kanilang accounting sa Ouagadougou capital, wala naman aniyang nasaktan sa dalawampu’t limang mga Pilipino doon.

Sa kabila nito, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa Filipino community sa Burkina Faso.


Una nang pinagbabaril ng suspected Islamic extremists ang isang Turkish restaurant sa lugar kung saan labing pito ang nasawi na karamihan ay mga dayuhan.

Walong iba pa ang nasugatan sa nasabing terror attack.

Facebook Comments