Nakatutok ngayon ang Philippine Embassy sa Tokyo at ang Philippine Consulate General sa Osaka, sa pagpapatuloy ng sea at aerial search operations ng Japanese Coast Guard sa nawawalang Panamanian flagged vessels na may mga sakay na Pinoy crew.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs na sa ngayon ay wala pa ring matagpuan sa mga missing na tripulante ng nasabing barko bagama’t may natagpaun na life raft.
Kinumpirma rin ng Philippine Embassy na ang natagpuang labi ay Pilipino at tumulong na rin ang pamilya nito sa pagkilala sa labi ng biktima.
Sa pinakahuling ulat ng Japanese Coast Guard, inihayag nito na wala pa rin silang matagpuan sa mga nawawalang tripulante.
Pansamantalang sinuspinde ng tatlong araw ang search operation dahil sa pumasok na bagyo sa Japan nitong weekend.