Philippine Embassy, pinawi ang pangamba ng mga Pilipino sa China kasunod ng pagkaka-aresto sa 3 Pinoy na pinagbintangang nag-eespiya

Pinawi ng Philippine Embassy ang pangamba ng mga Pilipino sa China kasunod ng pagkaka-aresto sa tatlong Pinoy roon dahil daw sa pang-eespiya.

Sa statement na inilabas ng embahada ng Pilipinas, tiniyak nito ang proteksyon sa karapatan at kapakanan ng mga Pinoy sa China.

Tiniyak din ng Philippine Consulate General sa Guangzhou na tinututukan nila ang kaso ng tatlong Pilipinong inaresto sa Hainan.

Hinihikayat din ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa China na makipag-ugnayan sa kanila para sa emergency na pangangailangan.

Una na ring ipinaabot ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Chinese Government na tiyaking mabibigyan ng due process ang mga dinakip na Pinoy, alinsunod sa Domestic Law at sa Philippines-China Consular Agreement.

Facebook Comments