
Naaalarma na ang Philippine Embassy sa Abu Dhabi at ang Philippine Consulate General sa Dubai at Northern Emirates kaugnay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng human trafficking kung saan sangkot ang mga Pilipino.
Partikular ang mga Pinoy na ginagamit sa pag-transit ang United Arab Emirates, lalo na ang Dubai at Sharjah.
Ayon sa embahada, ang naturang mga lugar ang pangunahing primary exit points para sa trafficking routes patungong Kurdistan, Iraq.
Sa ngayon anila, talamak ang white slavery sa Iraq.
Kaugnay nito, nanawagan ang Embahada at Konsulada sa lahat ng mga Pilipino sa UAE na manatiling vigilant at i-report ang mga nagaganap na illegal recruitment o trafficking activity sa nasabing bansa.
Facebook Comments









