Philippine Embassy sa Athens, nakikipag-ugnayan na sa shipping principal ng MV Tutor kaugnay ng nawawalang Pinoy crew

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Athens , sa shipping principal ng MV Tutor.

Kaugnay ito ng nawawalang Pilipinong crew ng nasabing barko na pinuntirya ng missile ng Houthi rebels sa Red Sea.

Ayon sa DMW, tiniyak ng shipping principal kay Ambassador Giovanni Palec na agad na gagawin ang search operations sa missing Pinoy crew sa sandaling madala na sa ligtas na puerto ang barko.


Umaasa naman ang DMW na magiging positibo ang resulta ng search operations.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DMW sa pamilya ng nawawalang Pinoy seafarer.

Facebook Comments