
Pinaiiwas muna ng Philippine Embassy sa Thailand ang Filipino community na magtungo sa mga lugar na malapit sa tensyon sa pagitan ng Thai at Cambodian forces.
Partikular itong paalala para sa mga border ng Ubon Ratchathani, Si Sa Ket, Surin, Sa Kaeo, Buri Ram, Chanthaburi at Trat.
Pinapayuhan naman ang mga Pilipino sa mga naturang lugar na sundin ang payo ng Thai authorities, kabilang na ang evacuation orders.
Sa ngayon, tinatayang nasa 10,000 hanggang 12,000 ang mga Pilipino sa Cambodia, kabilang ang mga nasa 87 border provinces.
Habang sa Thailand ay may 38,509 na mga Pinoy, kabilang ang 125 na nasa pitong border provinces.
Facebook Comments









