
In-activate na ng Philippine Embassy sa Beirut ang monitoring mechanisms nito sa pamamagitan ng Filipino community leaders at Area Coordinators.
Sa harap ito ng tumitinding kaguluhan sa Lebanon.
Layon nito na magkaroon ang Embassy ng regular updates mula sa Filipino community representatives.
Kinumpirma naman ng Philippine Embassy na hanggang sa ngayon ay wala namang Pilipinong nasaktan sa nagpapatuloy na tensyon sa Lebanon.
Pinapayuhan naman ng embahada ang mga Pilipino doon na manatiling naka-alerto at maghanda ng pagkain hanggang sa susunod na tatlong araw.
Sa ngayon, 300 na ang fatalities sa sagupaan at 1,200 naman ang nasugatan.
Facebook Comments










