Philippine Embassy sa Cairo, Egypt, magpapadala ng team sa Djibouti para alalayan ang mga seafarers na nadamay sa missile attack ng Houthi sa vessel na ikinasawi ng 2 Pinoy

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang tulong sa 13 Pinoy na nakaligtas matapos ang missile attack ng Houthi rebels sa isang vessel sa Gulf of Aden na ikinasawi ng dalawang Pinoy.

Sa katunayan, sinabi ng DFA na magpapadala ang embahada ng Pilipinas sa Cairo, Egypt ng team sa Djibouti para alalayan ang mga Pinoy na apektado ng pag-atake.

Sinabi ng DFA na ibibigay nila ang lahat ng tulong sa mga Pinoy kasunod ng pag-atake ng Houthis sa civilian bulk carrier na M/V True Confidence noong Marso 6.


Una rito, ang 13 Pinoy seafarers na nakaligtas sa pag-atake ay dinala ng Indian Navy sa Djibouti.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang DFA sa pamilya ng dalawang Pinoy na namatay sa missile attack.

Facebook Comments