Philippine Embassy sa Cairo, naglabas ng urgent advisory sa mga hindi dokumentadong Pinoy sa Egypt

Naglabas ng urgent advisory ang Philippine Embassy sa Cairo sa mga Pilipino sa Egypt na walang residency cards.

Kasunod ito ng June 30,2024 deadline ng Ministry of Foreign Affairs ng Arab Republic of Egypt.

Pinapayuhan ng embahada ang mga Pinoy roon na wala pang residency cards na magparehistro agad sa Ministry of Interior Administration of Passports, Immigration and Nationality.


Habang ang mga Pinoy na mayroon nang residence cards ay pinapayuhan na dalhin palagi ang kanilang valid IDs/passports at residence cards.

Facebook Comments