Philippine Embassy sa Cambodia, naglabas ng abiso sa OFWs doon hinggil sa kontrata para matiyak ang proteksyon ng Pinoy workers

Nag-abiso ang Philippine Embassy sa Cambodia hinggil sa proseso ng pagsasailalim ng embahada sa “acknowledgement” sa kontrata ng Overseas Filipino Workers o OFWs.

Ayon sa Philippine Embassy, layon nito na matiyak na ang kontrata ng Pinoy workers sa Cambodia ay alinsunod sa mga umiiral na batas ng Pilipinas at upang mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng manggagawang Pilipino roon.

Ang “acknowledgment” ng mga kontrata ay isang uri ng pag-nonotaryo kung saan ang itinalagang consul general , consul o pangalawang consul ay nagpapatotoo na ang mga taong humarap sa kanila ay siya ring kusang loob na lumagda sa kontrata.

Nilinaw ng embahada na alinsunod sa 2004 Rules on Notarial Practice of the Philippine Supreme Court, obligado ang personal na pagdalo at paglagda ng mga partido sa kontrata.

Facebook Comments