Doha, Qatar – Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Doha na inuulan sila ng mga tawag hinggil sa flights matapos ianunsyo ng Middle East countries ang kanilang pagsasara ng land, sea at air ports sa Qatar.
Gayunman, nilinaw ng embahada na wala namang OFWs doon ang tumatawag sa kanila para magpatulong sa repatriation.
Tiniyak naman ng embahada na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Filipino Community sa Qatar bagamat normal naman ang sitwasyon.
Nilinaw din ng Philippine Embassy na isolated lamang ang nangyaring panic buying sa Qatar.
Muli namang nanawagan ang embahada sa OFWs doon na manatiling kalmado.
DZXL558
Facebook Comments