Philippine Embassy sa Doha, naglabas na ng advisory sa OFWs hinggil sa pagbawi ng DOLE sa deployment ban sa Qatar

Qatar – Nag-abiso na sa OFWs ang Philippine Embassy sa Doha kaugnay ng pagbawi ng Labor Department sa moratorium sa deployment ng OFWs sa Qatar.

Batay sa advisory ng embahada, bukod sa may existing contracts, maari na ring magtungo sa Qatar para magtrabaho ang may mga hawak nang Overseas Employment Certificate.

Muli namang nanawagan sa OFWs ang Philippine Embassy na manatiling kalmado dahil wala namang banta sa kanilang seguridad sa Qatar.


Sa kabila nito, patuloy na naka-monitor ang embahada sa sitwasyon doon.
DZXL558

Facebook Comments