Umapela sa undocumented Filipino workers sa Sudan ang Philippine Embassy sa Egypt na makipag-ugnayan sa embahada.
Sa harap ito ng lumalalang tensyon sa Sudan.
Hiniling din Philippine Embassy sa undocumented Pinoy workers sa Sudan na magsumite sa kanila ng kumpletong pangalan, contact number at lokasyon.
Ito ay bilang paghahanda sa posibleng paglilikas sakaling magpatuloy ang paglala ng kaguluhan sa Sudan.
Una nang inamin ng Department of Foreign Affairs na posibleng may mga Pinoy pa sa Sudan ang hindi naa-account dahil ilan sa kanila ay hindi dokumentado.
Facebook Comments