Philippine Embassy sa Egypt, muling umapela sa mga Pinoy sa Sudan na lumikas na sa harap ng paglala ng civil war doon

Muling nanawagan ang Philippine Embassy sa Cairo sa natitira pang mga Pilipino sa Sudan na lumikas na.

Sa harap ito ng lalo pang pagtindi ng kaguluhan sa Sudan kung saan daang mga sibilyan ang namamatay ngayon sa civil war doon.

Tiniyak ng embahada na agad silang maghahanda ng repatriation flights patungong Cairo at Manila.


Pinapayuhan ang mga Pinoy na sasailalim sa repatriation na agad na tumawag sa Philippine Embassy sa Egypt.

Facebook Comments