Philippine Embassy sa Egypt, nagbabala sa mga OFW roon sa harap ng lumalaganap na “cross-country” recruitment schemes

Nagbabala ang Philippine Embassy sa Egypt kaugnay ng “cross-country” o “third-country” recruitment schemes online.

Sa harap ito ng pagtaas ng bilang ng Overseas Filipino Workers (OFW) na nabibiktima ng sindikato.

Una nang nakatanggap ang Department of Migrant Workers (DMW) ng ulat hinggil sa insidente ng human trafficking for forced criminality o online scam facility sa Nigeria at iba pang bansa sa West Africa, kung saan ang mga sangkot ay mga Pilipino mula Dubai, United Arab Emirates.


Pinaalalahanan din ang mga OFW na maging matalino at huwag magpapaloko sa mga pekeng recruiter upang hindi mabiktima ng illegal recruitment, human trafficking, at online scams.

Facebook Comments