Nagpaalala ang Philippine Embassy sa Budapest kaugnay ng pansamantalang pagsuspinde ng operasyon ng tanggapan sa July 11.
Kaugnay ito ng pag-obserba ng Eid’l Adha na isang regular holiday sa Pilipinas.
Pinapayuhan naman ang mga Pilipino sa Hungary na may emergency na pangangailangan sa nasabing petsa na makipag-ugnayan lamang sa kanilang hotline o mobile phone number.
Facebook Comments