Philippine Embassy sa Indonesia, nagdiriwang sa resulta ng kanilang naging misyon sa kaso ni Mary Jane Veloso

Itinuturing ng Philippine Embassy sa Jakarta, Indonesia na malaking accomplishment ang tuluyang pagkakalipat kay Mary Jane Veloso sa Pilipinas.

Sinabi sa DZXL News ni Philippine Consul General to Indonesia Gonaranao Musor na masaya sila ngayong nagkita-kita na ang pamilya Veloso.

Ayon kay ConGen. Musor, ang pagkakaligtas ni Mary Jane sa parusang bitay hanggang sa mapauwi ng Pilipinas ay collective effort aniya ng kanilang mga kasamahan sa Department of Foreign Affairs (DFA).


Labis din ang pasasalamat ni ConGen. Musor sa aniya’y generosity ng Indonesia government.

Si ConGen. Musor ay kabilang sa naghatid kay Mary Jane sa airport ng Jakarta kagabi.

Noong nakaraang linggo ay nakaharap din niya ang pamilya ni Mary Jane sa tanggapan ng DFA.

Facebook Comments