
Tiniyak ng Embahada ng Pilipinas sa Indonesia na wala pang Pilipinong nadamay sa landslide sa Bandung West Java.
Ayon sa Embahada, umabot na sa 113 pamilya ang naapektuhan at nasa walo ang patay habang nasa 82 ang nawawala batay ‘yan sa tala mula sa Indonesian National Search and Rescue Agency.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan sa mga Filipino communities kung may mga nawawala o mga kababayan natin nadamay sa nasabing insidente.
Samantala, nagpapatuloy naman ang pagmo-monitor ng embahada sa sitwasyon sa nasabing landslide at sinigurong handa ang embahada sa tulong para sa mga Pilipino roon.
Facebook Comments










