Philippine Embassy sa Israel, hinimok ang mga Pinoy na nag-avail ng voluntary repatriation na gamitin ang kanilang ipon para magtayo ng negosyo sa Pilipinas

Hinimok ni Philippine Ambassador to the Israel Aileen Mendiola ang mga Pinoy na nag-avail ng voluntary repatriation.

Ito’y upang gamitin ang kanilang naipon upang magtayo ng negosyo at makatulong sa ekonomiya ng bansa gaya ng pagbibigay trabaho sa ating mga kababayan.

Ang mensahe ni Mendiola kasunod nang mayroong walo na naman na ating kababayan ang nakalipad na pauwing Pilipinas sa pamamagitan ng voluntary repatriation program ng Department of Migrant Workers – Overseas Workers Welfare Administration (DMW-OWWA) Team ng Embahada.

Bukod dito, hiniling din niya na sumailalim sila sa psychosocial counselling pagdating sa Pilipinas upang maproseso ang kanilang pinagdaanan at mapangalagaan ang kanilang mental health.

Upang masisguro rin na matatanggap nila sa Pilipinas ang anumang benepisyo na naiwan pa nila dito sa Israel ay tumanggap sila ng free legal services ng abogado ng DMW-OWWA Team.

Samantala, patuloy naman na pinoproseso ang travel arrangement ng ilan pang Pinoy na sumailalim sa voluntary repatriation program.

Facebook Comments