Philippine Embassy sa Israel, inalerto ang mga Pinoy kasabay ng inilabas na text alert system

Inalerto ng Philippine Embassy ang mga Pinoy kasabay ng pinaigting na emergency text alert ng Israeli Defense Forces.

Sa harap ito ng tumitinding palitan ng bomba ng Israel laban sa Iran at Hezbollah sa Lebanon.

Pinapayuhan din ng embahada ang Filipino community sa Israel na sumunod agad sa mga urgent emergency alert at instructions ng mga awtoridad doon.


Naglabas din ng video explainer ang puwersa ng Israel hinggil sa kanilang bagong emergency text alert system.

Ang nasabing emergency text alert ay natanggap ng mga residente sa Israel ilang minuto lamang bago ang missile attack ng Iran.

Facebook Comments