Philippine Embassy sa Israel, kuntento sa turnout ng unang araw ng online voting doon

Itinuturing ng Philippine Embassy sa Israel na matagumpay ang opisyal na pagbubukas sa online voting sa Israel para sa 2025 overseas elections.

Ilang poll watchers at ilang Filipino community leaders ang dumalo sa pagbubukas ng online voting kung saan naka-livestream ito sa official Facebook page ng Embahada.

Ayon sa Philippine Embassy, sa unang araw ng botohan, 156 na mga Pilipino ang agad na nakaboto online.

Ito ay mula sa 10,452 registered voters sa Israel at 1,388 na mga Pinoy na nakapag-enroll na sa online voting.

Sa ngayon, 13.28% na registered Pinoy voters sa Israel ang nakapag-enroll na sa online voting.

Sa kanyang mensahe, inanyayahan ni Ambassador-designate Mendiola ang lahat ng mga registered voters sa Israel na makilahok sa halalan.

Nagpapatuloy ang enrollment para sa online voting na tatagal hanggang sa May 7.

Facebook Comments