Philippine Embassy sa Israel, may nakahandang contingency plan sa harap ng Israel-Iran war

Tiniyak ng Philippine Embassy sa Israel na may contingency plan sila sa mga Pilipinong posibleng maapektuhan ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at Iran.

Ito ay bagama’t kumpiyansa ang Filipino community sa kakayahan ng Israeli government sa pagprotekta sa mga sibilyan.

Kinumpirma rin ng Embahada na sa ngayon ay wala namang Pinoy casualties sa missile at drone attacks ng Iran laban sa Israel.


Tiniyak naman ng Philippine Embassy na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Filipino community sa Israel para alamin ang mga kalagayan ng mga Pilipino doon.

Facebook Comments