Nagpaalala sa mga Pilipino sa Israel ang Philippine Embassy kaugnay ng nagpapatuloy na overseas voter registration.
Sa abiso ng Embahada, ang pagpapatala sa embahada ay tuwing Linggo hanggang Huwebes lamang mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:30 ng hapon.
Maliban sa Philippine Embassy sa Tel Aviv, maari ring magparehistro ang mga Pinoy sa Konsulada ng Pilipinas, at sa mga itinalagang registration center.
Ang kailangan lamang gawin ay personal na mag-fill out ng Overseas Voting Form 1 (OVF 1) sa Embahada o mag-fill out online.
Personal din dapat na ipapasa sa Embahada ang filled-out OVF 1 at ipakita ang valid na passport at iba pang katibayan ng citizenship at pagkakakilanlan.
Facebook Comments