Philippine Embassy sa Israel, muling nagpaalala sa mga Pinoy doon na limitahan muna ang paglabas

Nag-abiso sa lahat ng Pilipino sa Israel ang Philippine Embassy na iwasan muna ang pagtungo sa mga sumusunod na lugar:

– Jerusalem
– Temple Mount
– Damascus Gate
– Herod’s Gate
– Al Wad Road
– Musrara Road
– Paligid ng East Jerusalem
* West Bank (Bethlehem, Jericho, Hebron, etc.)
* Mga lugar na malapit sa border ng Gaza at ng Lebanon

• Golan Heights


Pinapayuhan din ang mga Pinoy sa Israel na:

* Maging maingat at mapagmatyag sa paligid
* Huwag kukuha ng litrato/video, o mag-usyoso sa nagaganap na kaguluhan o karahasan
* Lisanin agad ang lugar na may kaguluhan o nagaganap na karahasan
* Iwasan ang pagpunta sa matataong lugar
* Mag-ingat sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan
* Huwag lumapit sa mga Israeli security forces na naka-puwesto sa mga sensitibong lugar
* Sumunod sa mga tagubilin ng Israeli security forces at ng Home Front Command

Facebook Comments