Philippine Embassy sa Israel, nagbabala sa mga nagre-recruit ng OFWs doon para ipadala sa US at Europe

Nagbabala ang Philippine Embassy sa Israel sa Overseas Filipino Workers (OFWs) doon na nire-recruit para magtrabaho sa U.S., Canada, Australia, Europe at iba pang destinasyon.

Ayon sa embahada, sa usapin ng direct hiring, kailangan muna ng verification ng Migrant Workers Office (MWO) sa employment contract ng manggagawa.

Hinihimok ng Philippine Embassy ang sino mang Pinoy worker sa Israel na nakatatanggap ng ganitong alok na maging mapanuri upang makaiwas sa kapahamakan.


Nagbabala ang embahada na ang pag-recruit sa mga manggagawang Pilipino na hindi dumaraan sa tamang proseso ay ipinagbabawal ng batas at maaaring makulong ang recruiter dahil sa kasong trafficking in persons.

Facebook Comments