Philippine Embassy sa Israel, naglabas ng abiso sa mga Pinoy sa tuwing may drone alert

Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Israel ang ang mga Pilipino sa nasabing bansa sa tuwing may unmanned air vehicle o drone alert.

Ayon sa embahada, mahalagang malaman ng mga Pilipino kung ano ang dapat gawin sa tuwing may ganitong sitwasyon.

Mahalaga rin anilang alam ng mga Pinoy na sa sandaling na ma-monitor ng Israeli Defense Force na may pumasok na UAV o drone ay tutunog ang sirena sa mga lugar na maaaring daanan o bagsakan nito.


Awtomatiko ring makatatanggap ang mga residente sa naturang mga lugar ng drone infiltration alert sa pamamagitan ng text at app notification.

Muling nagpaalala ang Philippine Embassy na unahin ang personal na kaligtasan sa lahat ng pagkakataon.

Facebook Comments