Philippine Embassy sa Israel, nagpahayag ng pakikiramay sa pamilya ng 2 OFWs na kumpirmadong nasawi sa Israel

Nagpahayag ng pakikiramay ang Embassy of the State of Israel sa Pilipinas sa pamilya ng dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs) na kumpirmadong namatay dahil sa terror attacks ng Hamas sa Israel.

Ayon sa Embahada ng Israel, patuloy ang kanilang panalangin sa mga nawawala pa roon.

Mariin naming kinokondena ng Embahada ang mga pagkilos ng terorismo ng Hamas sa mga inosenteng mamamayan ng Israel at iba pang nasyonalidad sa nasabing bansa.


Samantala, patuloy namang ipagtatanggol ng Israel ang sarili at ang kanilang bansa laban sa mga militanteng Hamas.

Facebook Comments