Philippine Embassy sa Jakarta, nag-anunsyo ng health requirement sa mga Pilipinong tutungo ng Indonesia

Nag-abiso ang Philippine Embassy sa Jakarta sa mga Pilipinong bibiyahe sa Indonesia na nire-require na ng nasabing bansa ang SATUSEHAT Health Pass.

Kasunod ito ng deklarasyon ng World Health Organization (WHO) na ang Monkeypox (Mpox) ay isa nang public health emergency of international concern.

Ayon sa embahada, ang SATUSEHAT Health Pass ay kailangang i-accomplish ng travelers sa kanilang departure patungo ng Indonesia.


Kailangan anilang ipakita ang registration sa Indonesian authorities pagdating doon.

Facebook Comments