Puspusan ang ginagawang preparasyon ng Philippine Embassy sa Japan hinggil sa paparating na Overseas Absentee Voting (OAV) para sa national at local elections.
Nabatid na magsisimula ang OAV sa darating na April 13 at magtataggal hanggang May 13, 2019.
Ayon kay Consul General Robespierre Bolivar, inaasahan ang pakikiisa sa pagboto ng marami nating kababayan na naka base sa Japan.
Sinabi pa ni Consul General Bolivar na habang papalapit na ng papalapit ang OAV mas upang makamit ang mataas na voters turnout nagiging agresibo ang ating embahada sa pagpo-promote ng 2019 elections.
Noong 2018, nakapagtala ang ating embahada ng 130 percent ng new voter registration sa Japan.
Sa ilalim ng OAV makakatanggap ang ating mga kababayan ng blank ballots by mail sa inirehistro nilang postal address matapos bumoto ipapadala nila ang kanilang balota sa ating embahada sa Tokyo o sa Osaka.
Sa pinakahuling tala ng Department of Foreign Affairs (DFA) mayroong higit sa 75,000 overseas voters na naka base sa Japan.