Tumatanggap na ang Philippine Embassy sa Japan ng aplikasyon para sa accreditation ng official poll watchers.
Kaugnay ito ng pagsisimula ng overseas absentee voting sa Abril 10 hanggang Mayo 9.
Ang poll watchers ay maaaring magmula sa rehistradong political party o collision ng political party.
Ayon sa embahada, ang bawat partido ay maaaring magtalaga ng hanggang 3 poll watchers.
Gayunman, isa lamang ang papayagan na mag-obserba sa pagbubukas at sa pag-feed ng balota sa makina.
Ang deadline ng submission para sa accreditation ay sa Abril 5.
Facebook Comments