Tiniyak ng Philippine Embassy sa Jordan na nakikipag-ugnayan na sila sa international community para sa paglilikas ng mga Pilipinong naiipit sa kaguluhan sa Gaza Strip.
Sa ngayon kasi hindi makagalaw ang embahada dahil sarado ang exit points dahil sa patuloy na bakbakan ng Israel at Hamas.
Sinabi ni Philippine Ambassador to Jordan Wildredo Santos na kailangan nila ng humanitarian corridor para makatawid ang mga ililikas na Pinoy.
Tumutulong na rin aniya ang Philippine Embassy sa Egypt sa paggawa ng paraan para sa evacuation ng mga Pilipino sa Gaza.
Pinapayuhan naman ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa Gaza Strip na iwasan munang magtungo sa mga mataong lugar at maging alerto.
Sa ngayon, 70 mga Pinoy na sa Gaza ang humiling na sila ay mailikas kasama na ang 31 na menor de edad.