Philippine Embassy sa Jordan, tinututukan ang kalagayan ng Pilipinong madre na nananatili pa rin sa Gaza

 

Patuloy na naka-monitor ang Philippine Embassy sa Jordan sa kalagayan ng Pilipinong madre na nananatili pa rin sa Gaza.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa kabila nang panghihikayat ng pamahalaan sa kaniya na umuwi na ng bansa para na rin sa kaligtasan nito ay nanatili pa rin ang nasabing madre sa Gaza.

Ang Embahada na ng Pilipinas sa Jordan, ang regular na nakikipag-ugnayan sa madre, ito na lang kasi ang nag-iisang Pinoy doon dahil nakauwi na rin sa Pilipinas ang huling batch ng mga Pinoy matapos makalabas sa Gaza.


Sa kabuuan nasa 136 na na mga Pilipino ang inilikas ng pamahalaan doon sa Gaza.

Samantala, lahat naman ng mga Pinoy repatriate ay binigyan ng tulong pinansyal ng DFA, Department of Migrant Workers (DMW) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para makauwi na sa kani-kanilang pamilya.

Facebook Comments