Philippine Embassy sa Kuwait, kinumpirma ang pagkakasangkot ng isang Pinoy domestic worker sa pagkamatay ng isang batang Kuwaiti

Ikinalungkot ng Philippine Embassy sa Kuwait ang pagkakasangkot ng isang Filipino domestic worker sa pagkamatay ng isang batang Kuwaiti sa loob ng tahanan ng employer ng Pinay.

Tiniyak naman ng embahada na nakikipagtulungan sila sa imbestigasyon ng Kuwaiti authorities habang tinutulungan nila ang nakakulong na Pinay.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Philippine Embassy sa pamilya ng biktima.


Nilinaw naman ng embahada na isolated lamang ang insidente at hindi anila ito sumasalamin sa pag-uugali ng mga Pilipino at ng Filipino community sa Kuwait.

Sinasabing nangyari ang trahedya nang ilagay ng Filipino household worker ang batang Kuwaiti sa loob ng washing machine kung saan nagkaroon ito ng injuries na siyang ikinamatay ng biktima.

Facebook Comments