Magpapatupad ang Philippine Embassy sa Kuwait ng decongestion sa Bahay Kalinga doon.
Sa harap ito ng pagsisiksikan ng distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nasabing shelter.
Kabilang sa plano ang pagkakaroon ng ikalawang shelter para maiwasan ang siksikan ng OFWs na naghihintay ng kanilang repatriation.
Sa ngayon kasi ang Bahay Kalinga ay kaya lamang mag-accommodate ng 250 hanggang 300 katao.
Una nang nagsagawa ang assessment ang Department of Migrant Workers (DMW) sa kalagayan ng mahigit 400 distressed OFWs sa Bahay Kalinga sa Philippine Embassy sa Kuwait.
Facebook Comments