Philippine Embassy sa Lebanon, nagbabala sa posibleng lalo pang pagsiklab doon ng gulo sa pagitan ng Israel at Hezbollah

Nagbabala si Philippine Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat na posibleng lumala pa ang tensyon sa Lebanon sa pagitan ng Israel at ng Lebanese military group na Hezbollah.

Bunga nito, sinabi ni Balatbat na posibleng madagdagan ang bilang ng mga Pilipino roon na humihiling ng repatriation.

Tiniyak naman ni Balatbat na regular nilang pinupulong ang Filipino community sa nasabing bansa.


Nagbukas na rin ang embahada ng applications para sa repatriation sa 17,500 Filipinos sa Lebanon.

Muli ring nanindigan ang Philippine Embassy sa kanilang panawagan sa OFWs na iwasan munang maglalabas lalo na sa mga lugar na malapit sa kaguluhan.

Facebook Comments