Philippine Embassy sa Lebanon, naglaan ng isang araw kada linggo para sa walk-in applicants

Naglaan ng isang araw ang Philippine Embassy sa Beirut para sa mga walk-in na aplikante na magre-renew ng passport.

ito ay kada Miyerkules, dakong alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.

Nangangahulugan ito na maaaring mag-transact sa embahada ang mga Pinoy na magre-renew ng passport nang hindi na nila kailangan ng appointment.


Layon nito na mapagaan ang pagseserbisyo ng Philippine embassy sa mga Pilipino sa Lebanon.

Ang kailangan lamang gawin ng mga aplikante ay dalhin ang kanilang orihinal na passport at ang photocopy ng documentary requirements.

Facebook Comments