Naglabas ng panuntunan ang Philippine Embassy sa London sa mga magsasagawa ng transaksyon sa embahada.
Sa abiso ng Philippine Embassy, simula sa February 2, lahat ng mga bisitang tutungo sa embahada ay kailangan nang magprisinta ng negative result ng rapid Lateral Flow Test (LFT) na ginawa sa loob ng 24 hours.
Kinakailangan ding nakasuot ng face mask kung saan dapat natatakpan ang ilong at bibig habang nasa loob ng embassy.
Pinaalalahanan din ang mga kliyente na huwag tutungo ng embahada kapag sila ay nakakaranas ng sintomas ng COVID-19.
Facebook Comments