Nananawagan sa Filipino community sa Morocco ang Philippine Embassy para sa impormasyon ng mga Pinoy na posibleng naapektuhan ng malakas na lindol doon.
Partikular sa lugar ng Al Haouz kung saan daan-daan ang mga naitalang nasawi.
Patuloy rin na nakikipag-ugnayan ang embahada sa lokal na awtoridad doon para sa updates.
Sa ngayon, walang napapaulat na Pilipinong nasaktan sa malakas na lindol.
Una nang tiniyak ng Philippine Embassy na ligtas naman ang mga tauhan ng embahada.
Halos 5,000 ang mga Pilipinong nagtatrabaho ngayon sa Morocco.
Facebook Comments