Nagbukas na ng linya ang Philippine Embassy sa Morocco para sa pagtanggap ng donasyon para sa mga Pinoy doon na naapektuhan ng malakas na lindol.
Ito ay bagama’t nagsimula na ring mangalap ng mga donasyon ang Filipino community sa Morocco para sa mga Pinoy na nasalanta ng pagyanig.
Sa abiso ng embahada, maaaring ihatid o ipadala ang mga donasyon sa Migrant Workers Office sa Hay Riyad, Rabat o di kaya sa Philippine Honorary Consulate General sa Casablanca.
Patuloy naman ang pagtunton ng embahada sa iba pang Pilipinong naapektuhan ng lindol kabilang na ang mga Pinoy na nakapag-asawa ng Moroccan.
Facebook Comments