Philippine Embassy sa Myanmar, hinimok ang mga Pinoy sa Myawaddy na nangangailangan ng kalinga na tumawag sa kanilang mga hotline sa harap ng crackdown operation sa nasabing bansa

Naglabas ng hotline numbers ang Philippine Embassy sa Myanmar para sa mga Pilipino sa Myawaddy na nangangailangan ng tulong.

Ito ay kasunod ng crackdown operation ng mga otoridad sa Myanmar laban sa mga dayuhang nagtatrabaho sa mga scam hubs sa nasabing bansa.

Ayon sa abiso ng Embahada, pinapayuhan ang mga Filipino nationals na nasa Myawaddy na tumawag sa Embahada sakaling kailangan nila ng tulong.

Nabatid na sa ngayon, 700 na mga dayuhan na ang tumakas patungong Thailand mula Myanmar upang makaiwas sa crackdown.

Halos 700 na ang mga dayuhan na naka-detain ngayon sa Tak province ng Thailand dahil sa ilegal na pagtawid sa border.

Sinasabing mga Chinese criminal gang na nagpapatakbo ng human trafficking hubs ang target ng operasyon ng mga awtoridad sa Myanmar.

Facebook Comments